NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng lip and cheek stain night berry ng Ever Bilena.
Sa abiso ng FDA, sinabi nito na nakitaan nila ang nasabing produkto ng “microbial contaminants” na lagpas sa limit na kanilang itinakda.
Sinabi ng FDA na posibleng magdulot ang nasabing cosmetics ng skin irritation, pangangati, anaphylactic shock at organ failure.
Nilinaw naman ng Ever Bilena na isang batch ng EB Lip & Cheek Stain Night Berry Variant lamang ang tinukoy ng advisory na inilabas ng FDA.
Tiniyak ng kompanya na magsasagawa ng sariling testing para i-validate ang findings ng FDA at ilalabas nila ito sa susunod na pitong araw habang kumuha na rin sila ng third party laboratory para sa kaukulang testing ng produkto.
(BASAHIN: FDA, nagbabala sa pagbili at paggamit ng Aidelai disposable face masks)