FDA, nagkaroon ng anomalya; Ilang mga senador, naalarma

FDA, nagkaroon ng anomalya; Ilang mga senador, naalarma

NAALARMA ang ilang mga senador kaugnay sa mga reklamo na ibinabato laban sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) dahil umano sa pagpabor ng ahensiya sa malalaking kumpanya at mahabang taong pagkadelay ng kanilang mga renewal processes.

Sa plenary session sa proposed 2023 national budget unang idinulog ni Senador Risa Hontiveros ang reklamo laban sa FDA na natanggap din ng kaniyang opisina.

Aniya, may ilang mga indibidwal na nagsasabing pinapaburan umano ng FDA ang mga banyagang manufacturers at distributors ng household urban hazardous substances at pet care products.

Ang daing aniya ng mga local Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) ay nahihirapan silang makakuha ng certificate of product registration (CPR) mula sa FDA.

Para naman sa product testing, nangako si Senador Pia Cayetano na makikipagtulungan ang FDA sa Department of Science and Technology na siyang nangangasiwa sa mga testing laboratories.

Inamin naman ni FDA Director General Samuel Zarate na mayroon talagang isang nakababahala na backlog sa mga sistema ng FDA ngunit tiniyak niya sa mga senador na ang gawaing ito ay hindi nila kinukunsinti at ang mga hinaing na mga ito ay matutugunan sa taong 2023.

 

 

Follow SMNI News on Twitter