FDCP, magbibigay ng financial assistance para sa mga film worker na apektado ng COVID-19

MAGBIBIGAY ng financial assistance ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa maliliit na film workers na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Chairman ng FDCP na si Liza Dino, may mga pinaplantsa itong programa sa ilalim ng national registry para suportahan ang mga film workers na kumikita lamang kapag may trabaho o yung nasa “no work no pay’ policy.

Dagdag nito sa oras na maaprubahan ito ng board, ay sisimulan nilang ipamigay ang financial assistance sa mga crew, mga grips, production assistant, at make-up artist na umaasa lang sa mga soap operas.

Aniya, hindi naman mahihirapan ang mga makatatanggap ng naturang financial assistance dahil ipamimigay nila ito online.

Hindi naman nabanggit ni Liza kung magkano ang ipamamahagi nilang tulong dahil depende pa aniya ito sa kung magkano ang kanilang malilikom na pondo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.