Fedora ng yumaong si Michael Jackson, ini-auction sa Paris

Fedora ng yumaong si Michael Jackson, ini-auction sa Paris

KASALUKUYANG naka-auction ngayon ang itim na itim na fedora na isinuot ng pop superstar na si Michael Jackson sa kaniyang moonwalk dance.

Ang fedora ay nakatakdang i-auction ngayong darating Setyembre, sa isang Paris auction.

Tinatayang 60,000 to 100,000 euros o $65,000-$110,000 ang magiging halaga ng nasabing sombrero.

Maliban sa fedora ni Michael Jackson, ilan din sa mga gamit ng ilang icons tulad ng guitara ni American Blues musician T-Bone Walker, isang suit na isinuot ni Martin Gore ng Depeche Mode at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter