Female Minister of Education sa Thailand, pinangalanan na

Female Minister of Education sa bansang Thailand pinangalanan na ng gobyerno para sa kauna-unahang babae na mamumuno sa Education Ministry ng bansa.

Ipinakilala na ng gobyerno ng Thailand ang bagong Ministro ng Edukasyon sa bansa.

Trinuch Thienthong, ang bagong talaga bilang Minister of Education at kauna-unahang babaeng mamumuno sa Minister of Education ng bansang Thailand.

Bilang tatlong babae ngayon ang may pinakamataas na kontrol sa Ministro ng Edukasyon.

Kasama na dito ang dalawang Deputy Ministers nito na sina Kalaya Sophonpanich at Kanokwan Vilawan. Ito ay bago sa kasaysayan ng gobyerno ng Thailand.

Samantala, si Trinuch ay ipinanganak noong September 12, 1972. Natanggap niya ang isang Master’s Degree in Economics sa Western Illinois University noong taong 1996-1997. Bago yun taong 1995, nakatanggap siya ng Bachelor’s Degree in Finance mula sa US University. Naka-graduate din siya sa Assumption University noong taong 1992.

Ang new minister ay nagtrabaho bilang credit director sa Bangkok Bank mula 1999-2001 at Assistant General Manager ng SPT Civil Group noong 1998 at 1999.

Samantala, ang simula si Trinuch sa pagsisilbi sa gobyerno bilang Deputy Spokesperson sa Culture Ministry at adviser sa Deputy Minister of Education na si Sirikorn Maneerin, adviser sa Agriculture and Cooperatives Ex-minister na si Chucheep Hansawat, adviser sa Dating Social Development and Human Security Minister Sora-at Klinpratoom, Spokesperson para sa  Tourism Commission at adviser sa Labour and Social Welfare Deputy Minister na si Ladawan Wongsriwong.

Naging miyembro na rin si Trinuch ng House of Representatives sa Kaeo Province sa loob ng limang termino.

Si Trinuch ang ika-limamput limang Ministro ng Edukasyon sa Thailand.

 

(BASAHIN: Water buffalo racing festival sa Thailand, ipinagpatuloy sa kabila ng banta ng COVID-19)

SMNI NEWS