Ferolino, ipapalit kay Inting bilang acting chair ng gun ban panel

Ferolino, ipapalit kay Inting bilang acting chair ng gun ban panel

ITINALAGA si COMELEC Commissioner Aimee Ferolino bilang acting chair ng Commission on Elections Committee on Firearms and Security Concerns.

Ito ay matapos ipagpaliban muna ng en banc ang deliberasyon sa pagbibitiw sa puwesto ni Commissioner Socorro Inting.

Ayon sa opisina ni Ferolino, mas pinili ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan na ipagpaliban muna ang deliberasyon sa pagbibitiw ni Inting sa kasagsagan ng en banc ngayong Miyerkules na ipagpapatuloy sa susunod na sesyon.

Sa ngayon, sinabi ng staff ng commissioner na hindi pa alam ang dahilan nang pagpapaliban ng deliberasyon.

Inihayag ni Commissioner George Garcia na hindi nila kinonsidera ang resignation ni Inting dahil nirespeto nila ang desisyon ni Pangarungan.

Nagbitiw si Inting sa puwesto matapos bumoto ang en banc na bigyan ng awtoridad si Chairman Pangarungan na magkaloob ng gun exemptions at ilagay ang mga lugar sa kontrol ng COMELEC sa mgaimportanteng kaso.

Una nang sinabi ni Inting na hindi makaya ng kanyang malinis na konsensya na manatili bilang CBSFC chairperson dahil para sa kanya wala ng bisa ang kanyang posisyon dahil sa pagpapatupad ng COMELEC Resolution No. 10777.

BASAHIN: Commissioner Inting, nag-resign sa Gun Ban Committee

Follow SMNI News on Twitter