PINANGUNAHAN ng Malian basketball player na si Cheick Diallo ang Converge FiberXers para manalo kontra NLEX Road Warriors sa nagpapatuloy na elimination round ng 2024 PBA Commissioner’s Cup.
Sa naging laro nila nitong Disyembre 17, 2024, 102-91 ang scoring pabor sa FiberXers.
Dito nga ay nag-ambag ng 37 points at 18 rebounds si Diallo.
Sa sumunod na laban, panalo ang Phoenix Fuelmasters kontra Northport Batang Pier sa iskor na 115-109.
Best player dito si RJ Jazul matapos nag-ambag ng 14 points at 5 points para sa Fuelmasters.
Maliban kay Jazul ay nag-ambag din ng 31 points si Donovan Smith para sa Fuelmasters; 24 points mula kay Jason Perkins; at 15 points mula kay Kenneth Tuffin.