Fil-Am magician Anna De Guzman, nasungkit ang 2nd place sa 18th season ng ‘‘America’s Got Talent’’

Fil-Am magician Anna De Guzman, nasungkit ang 2nd place sa 18th season ng ‘‘America’s Got Talent’’

CHEERS para sa Filipina-American magician na si Anna De Guzman matapos nasungkit niya ang 2nd place sa 18th season ng ‘‘America’s Got Talent.’’

Isa itong karangalan para sa kaniya dahil sa buong kasaysayan ng ‘‘America’s Got Talent’’ ay siya palang ang kauna-unahang babaeng magician na nakarating sa finals.

Siya rin ang muntikang kauna-unahang Filipino-American na mananalo sa show.

Bagama’t ang nanalo sa edition ng ‘‘America’s Got Talent’’ na ito ay ang dog trainer at performer na si Adrian Stoica, napahanga pa rin hanggang sa dulo ni De Guzman ang crowd, bagay na kahit papaano ay nakaka-proud.

Mahigit limang taon nang nagpa-practice ng magic tricks ang 25 years old na si De Guzman.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter