Fil-Am press club ng California kinilala ang SMNI News at ilang Fil-Am media practitioner sa US

Fil-Am press club ng California kinilala ang SMNI News at ilang Fil-Am media practitioner sa US

NAGBIGAY parangal kamakailan ang Filipino American Press Club of California sa ilang mga Fil-Am press at media practitioner kung saan ang SMNI ay pinuri ng mga opisyal nito bilang isang mapagkakatiwalaang media network sa bansa ngayon.

Katangi-tangi ang gabi sa Knotts Berry Hotel sa Buena California sa ginanap na Filipino American Press Club of California Media Awards na dinaluhan ng iba’t ibang Filipino Americans na mga mamamahayag at personalidad sa media and news industry sa California.

Pinarangalan ng organisasyon ang 25 mga Fil-Am media leaders at sari saring mga indibidwal mula sa mga media group at network na nagpakita ng kahusayan sa kanilang larangan sa telebisyon, radyo at sining, at ang kanilang kontribusyon sa pagbibigay boses sa ating mga kababayan na nakatira sa Estados Unidos.

Isa sa nakapanayam ng SMNI Newsteam ay si Anthony Francisco, senior visual development artist ng Marvel Studios sa loob ng 9 na taon at ang designer ng mga iconic character na sina Groot, Nakia ng Black Panther, Loki.

Malaki ang kanyang pasasalamat sa pagkilala mula sa Filipino American Community.

Kinilala rin ang SMNI sa event bilang isa sa mga pinagkakatiwalaan sa larangan ng pamamahayag sa Pilipinas ngayon.

Isa rin sa mga awardees si Lester Tan, isa sa mga news correspondent ng SMNI sa Amerika bilang Outstanding News Correspondent of the Year.

Binahagi rin ng mga dumalo ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag at makatotohanang pag-uulat.

Follow SMNI NEWS in Twitter