Fil-Am stars Sydney Agudong at Tia Carrere bumida sa pelikulang ‘Lilo & Stitch’

Fil-Am stars Sydney Agudong at Tia Carrere bumida sa pelikulang ‘Lilo & Stitch’

UMANI ng papuri ang Fil-Am actresses na sina Sydney Agudong at Tia Carrere sa kanilang pagganap sa bagong live-action adaptation ng Disney film na “Lilo & Stitch”.

Si Sydney, na gumanap bilang Nani Pelekai—ang protective at fierce na ate ni Lilo—ay nagpamalas ng kaniyang husay sa pag-arte, kagandahan, at galing sa surfing. Bagama’t bitin sa eksena sa dagat, na-highlight naman ang kaniyang “Baywatch” vibes at island energy sa bawat eksena.

Samantala, nagbigay init at malasakit naman si Tia Carrere sa bagong character na ginampanan niya na wala sa original na animated film noong 2002, kung saan boses niya rin ang ginamit kay Nani.

Ayon sa fans, isa ito sa mga magandang idinagdag sa live-action na lalong nagpabago at nagpalalim sa kwento nito.

Kasama rin nila ang child actress na si Maia Kealoha bilang si Lilo, na nagpabilib sa kanyang natural na ‘hula dancing’ at nakakakilig na acting. Hindi rin nagpahuli ang live-action na version ni Stitch na talaga namang kaaliw-aliw at punong-puno pa rin ng puso.

Kaya naman, kung hanap mo ay family bonding movie na may aral patungkol sa pamilya, pagkakaibigan, at responsibilidad, aba’y swak na swak ito! Showing na ang Lilo & Stitch!

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble