Fil-Canadian Kayla Sanchez, bigong makapasok sa finals ng 100-M freestyle sa World Aquatics

Fil-Canadian Kayla Sanchez, bigong makapasok sa finals ng 100-M freestyle sa World Aquatics

BIGONG makaabot sa final round ng women’s 100-meter freestyle event ng 2024 World Aquatics Championships sa Doha, Qatar ang Pinay-Canadian swimmer na si Kayla Sanchez.

Nasungkit lang nito ang ika-15 puwesto para sa event.

Ang contender mula sa Netherlands ang panalo, pumapangalawa ang Hong Kong at pangatlo ang mula sa Great Britain.

Mayroong hanggang buwan ng Hunyo na lang ang Pilipinas para sa swimming competition na makakuha ng sapat na puntos at makakapasok sa 2024 Paris Olympics.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter