MAS piniling salihan ni Filipina-Canadian swimmer Kayla Noelle Sanchez ang Hangzhou Asian Games sa halip na ang World Aquatics Championships sa Japan.
Ito ang inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino nitong Miyerkules, Hulyo 5.
Gaganapin ang laro sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 sa Hangzhou, China.
Samantala, hinihintay ng beteranong swimmer ang kumpirmasyon mula sa World Aquatics kung papayagan aniya siyang makipagkumpitensiya sa Asian Games.
Dapat aniyang kumpletuhin ang isang taong paninirahan sa Pilipinas upang makumpleto ang kanyang paglipat at maging karapat-dapat na i-representa ang Pilipinas sa Asian Games.