NAIPANALO ng Filipino-Ivorian fencer na si Maxine Esteban ang kaniyang unang championship pero sa ilalim ng bandera ng Ivory Coast.
Tinalo ni Esteban si Luca Sara Holland-Cruz ng Germany sa iskor na 15-13 sa finals ng International Handel Cup European under-23 Circuit Championship na ginanap sa Halle, Germany.
Sa kaniyang Facebook post, labis na ikinatuwa ni Esteban ang kaniyang performance na nagdadala ng gold sa kaniyang home country.
Nagpasalamat din si Esteban sa kaniyang coach at sa suporta ng Cote d’Ivoire Federation.
Matatandaan na noong Oktubre ay inaprubahan ng International Olympic Committee ang paglipat ng nationality ni Esteban sa Ivory Coast mula sa Pilipinas.