Filipino-Canadian community sa Saskatchewan, nagsagawa ng thanksgiving party para sa BBM-Sara Uniteam

Filipino-Canadian community sa Saskatchewan, nagsagawa ng thanksgiving party para sa BBM-Sara Uniteam

NAGSAGAWA ng thanksgiving party ang Filipino community sa Lloydminster Saskatchewan sa tagumpay ng Uniteam sa nagdaang eleksyon.

Isang matagumpay na pagtitipon sa Servus Sports Centre Lloydminster Saskatchewan ang pinaghandaan ng BBM-Sara supporters na dinaluhan ng di lamang  taga-SK kundi ng iba pang karatig probinsya gaya ng Alberta at Manitoba upang ipagdiwang ang landslide na pagkapanalo ni President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Inday Sara Duterte.

Ito ay isinagawa bago pormal na umupo bilang pangulo si President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte.

Umaasa naman ang mga ito na maipagpapatuloy ng tandem ang mga programa at adbokasiya ni Pangulong Duterte na ipinangako rin nito sa pangangampanya.

“With the new administration, the expectations is of course first, it’s not all coming from them but of course an expectations coming from the majority of the voters of the Philippines to support all the programs and advocasies that the they promised during the election period,” wika ni Engineer Rufino Siguron Jr, Representative of Ilocano Association Lloydminster.

“So sa palagay ko po ang kailangan po na gawin in terms of the medical aspect po sa Pilipinas is yung gawin po lahat ng makakaya na makapagpatayo ng mga kahit sabihin nating maliliit na hospital lamang po sa mga liblib na lugar na kung saan mas marami pang mga kababayan natin na mahihirap ang nangangailangan ng medical attention,” ayon kay Mark Sembriano, Lloydminster BBM-Sara volunteers.

“Sana ipagpatuloy na lang nila yung anumang nasimulan ng Duterte administration para sa aming mga OFW or immigrants dito sa isang bansa, sa buong mundo,” ayon  naman kay Amancio Don Jr, Lloydminster BBM-Sara supporters.

Samantala, humanga rin ang mga ito sa mga napili ni President-elect Bongbong Marcos na maging parte ng kanyang gabinete.

“The list of new cabinet members, it’s really a very bright and of the most dedicated personalities that they have chosen and so we expect that they will really perform their mandates and do their duties and responsibilities and we hope that they will bring more programs to OFWs like us here in Lloydminster,” dagdag ni Engineer Rufino Siguron Jr, Representative of Ilocano Association Lloydminster.

Lubos rin ang pasasalamat ng BBM-Sara supporters sa SMNI sa paghahatid ng tunay at makabuluhang balita lalo na sa panahon ng halalan 2022 at sa honorary chairman nito na si Rev Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Sa SMNI, congratulations and keep up the good work, ako po ay inyong supporters mula po nung nakilala ko ang inyong station at nakita ko po kung gaano kayo ka-fair sa pagbabalita, sabi nga po wala kayong pinipiling, kinikilingan na mga tao, so from the presidential debate hanggang dun sa interview po, good job po doon, maraming salamat po,” ani Mark Sembriano, Lloydminster BBM-Sara volunteers.

“Bilang isang subscriber ng SMNI laking pasalamat namin lalong lalo na kay Pastor Quiboloy na talagang makikita mo ang pagbabago ng pagbabalita, mga katotohanan dapat naming malaman,” ayon pa kay Amancio Don Jr, Lloydminster Saskatchewan BBM-Sara Supporters.


Follow SMNI NEWS in Twitter