Filipino community sa Japan, sumisigaw ng “Marcos, Resign!”

Filipino community sa Japan, sumisigaw ng “Marcos, Resign!”

NAGKAISA ang Filipino community sa Japan para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Bongbong Marcos kasunod ng mga karumal-dumal na pangyayari sa bansa partikular na sa paglapastangan sa karapatang pantao ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Daan-daang mga OFW ang dumalo mula sa iba’t ibang bahagi ng Tokyo, Saitama at Chiba nitong Linggo, bandang alas tres y medya ng hapon.

Ito’y upang ipakita ang suporta nila sa KOJC at manawagang itigil na ang walang-pusong paggamit ng dahas ng kapulisan laban sa mga miyembro ng KOJC na kamakailan lang ay kinubkob ang kanilang religious compound sa loob ng dalawang linggo.

Ang ilan sa mga OFW ay may mga kamag-anak na nag-aaral sa Jose Maria College (JMC) kaya masakit para sa kanila ang panggigipit na nararanasan ngayon ng KOJC.

Nakiisa rin sa panawagan ang mga dating solid supporter ni Marcos Jr. nitong nakaraang Presidential election sa pag-asang ipagpapatuloy nito ang mga proyektong nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngunit matindi ang kanilang pagka dismaya sa sinapit ng Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Marcos dahil sa wala itong nakitang pagbabago kaya ang kanilang panawagan kay Marcos Jr ay bumaba na ito sa puwesto.

“Walang pagbabago, walang Bagong Pilipinas as in walang Bagong Pilipinas meron lubog na Pilipinas ‘yun ang ating bansa ngayon lubog ang Pilipinas. Ang flood control niya asan na? Binangga ng barko pangalawa dahil sa hangin binaha ang buong Luzon asa na BBM natutulog ka! (Nasa saya ka ni Lizatanas) kaya nangigigil ako sayo BBM kinampanya pa naman kita kaya PI ka nanggigigil talaga ako sayo kaya umalis kana sa Malakanyang, ‘di ka karapat-dapat sa Malakanyang, walang hiya ka, kapal ng mukha mo BBM bangag alis alis alis,” ayon kay Mary Jane Oroshiba, OFW sa Japan.

“Sana po Marcos mag resign ka na, kawawa po ang sambayanang Pilipino, kawawa din po kami dito sa ibang bansa, nahihirapan din po kami kaya sana po mag resign na po kayo. Hindi na po niya tayo. Sana po ay makiisa po tayo, tayong lahat sa pagbagsak ng Marcos administration dahil po wala na pong halaga ang kanyang pamumuno, ‘di niya po tayo kayang alagaan o suportahan man lang lalo lalo na ang KOJC at lalo na kay PACQ nanawagan po kami sa buong Pilipino sa buong Pilipinas na pabagsakin si Marcos dahil siya po ay isang bangag,” ayon naman kay Nerry Martinez OFW sa Japan.

Nagbigay rin ng kaniyang mensahe si Sis. Michelle Malalay bilang tagapagsalita ng KOJC sa nasabing rally na kahit noon pa man ay naninindigan na si Pastor Apollo laban sa teroristang NPA.

Marami na rin aniyang mga proyekto ang butihing Pastor para sa mga kabataan para mailayo sila sa mga bisyo at kapahamakan subalit kabaliktaran nito ang mga kinakaharap na kaso ngayon ng butihing Pastor.

“Pastor, he is a nation-builder. He wants Philippines to become a first world country in the world but because of this terrorist organization which is CPP NPA NDF,” wika ni Sis. Michelle Malalay.

Nagtapos ang pagtitipon sa pamamagitan ng isang mataimtim na panalangin at paghandog ng awit ng papuri sa Dakilang Ama.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble