Filipino delegation para sa 2021 Asia Youth Para Games, nasa Bahrain na

NAGPADALA na ang Pilipinas ng 20 atleta para sa 2021 Asia Youth Para Games sa Manama, Bahrain.

Sabado ng gabi, November 27 ng nakarating sa Bahrain ang mga atleta, ilang araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng event sa December 02 hanggang December 06.

Tampok sa Filipino delegation ang wheelchair basketball team na sina Mark Aguilar, Mar Marquez, Kyle Carandang, Eljay Lamata, Jolleniel Nebris, Andrei Kuizon, Jodriel Piol, John Carl Dedala, Anthony de Mesa at Edgardo Ochaves.

Si John Iver Quintaña naman ang para sa Boccia, isang uri ng sports na nakalaan para sa may cerebral palsy subalit may kakayahan paring maglaro gamit ang kanilang kamay at paa.

Sina Ronn Russel Mitra, Remie Rose Flores, Daniel Enderes ay para sa athletics.

Sa swimming event sina Angel Mae Otom at Ariel Joseph Alegabres.

Table tennis sina Linard Sultan at Mary Eloise Sable.

Sina Antonio Dela Cruz Jr. At Joseph Clyde Belga naman para sa badminton.

Edad 12 hanggang 20 ang mga atleta na maaaring makasali sa naturang Asia Youth Para Games.

SMNI NEWS