Filipino film na ‘Kun Maupay Man It Panahon,’ nanalo sa Locarno Festival sa Switzerland

Filipino film na ‘Kun Maupay Man It Panahon,’ nanalo sa Locarno Festival sa Switzerland

NANALO ng Youth Jury prize sa 74th Locarno Film Festival sa Switzerland ang palabas na ‘Kun Maupay Man It Panahon’ o ‘Whether the weather is fine’ ng Globe Studios.

Natatanging ang ‘Whether the weather is fine’ lang na Filipino movie ang napili para lumahok sa Filmmakers of the Present Competition sa Locarno festival.

Tampok dito si Daniel Padilla, Rans Rifol, at Charo Santos-Concio.

Don Everly ng ‘Everly Brothers’, pumanaw na

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa mga miyembro ng Everly Brothers na si Isaac Donald ‘Don’ Everly sa edad na 84.

Hindi nagbigay pa ng detalye ang kaanak nito kung ano ang sanhi ng kamatayan ng nasabing singer.

Isaac Donald 'Don' Everly
Isaac Donald ‘Don’ Everly

Isinilang si Don Everly noong February 1, 1937 sa Brownie, Kentucky na anak ng mga musician na sina Ike at Margaret Everly.

Magugunitang unang pumanaw ang kapatid nitong si Phil noong 2014 sa edad 74.

Unang inilabas ng magkapatid ang kanta nilang “Bye, bye love”  noong 1957 at naging no. 2 sa US Billboard Pop Charts.

Everly Brothers
Everly Brothers

Ilan pa sa mga kantang pinasikat ng magkapatid ay ang “All I have to do is dream”, “Wake up little Susie”, “Devoted to you” at marami pang iba.

 

SMNI NEWS