MAGTATANGHAL ang Filipino K-pop boy band na Hori7on sa opening ceremonies ng 2024 Winter Youth Olympics sa Pyeongchang Dome sa Gangwon Province, South Korea ngayong Biyernes, Enero 19.
Ang Hori7on ay binubuo nina Vinci Malizon, Kim Ng, Kyler Chua, Reyster Yton, Winston Pineda, Jeromy Batac, at Marcus Cabais.
Ayon sa International Olympic Committee (IOC), kasama rin sa lineup para sa opening ang Korean singer na si Taeyeon, at ang Korean rappers na sina Hwasa at Bewhy, kasama ang 1 million dance studio.
Sa kabilang banda, ang tatlong Pinoy athletes na sasabak sa Winter Youth Olympic Games ay sina Peter Joseph Groseclose, Avery Uriel Balbanida, at Laetaz Amihan Rabe.