Mahigit 4K Filipino nurses, ipadadala sa Germany ngayong taon

HALOS nasa 4,000 Filipino nurses ang ipadadala sa bansang Germany ngayong taon ayon kay Philippine Labor Attache in Germany na si Delmer Cruz.

“I don’t have the exact number but it’s more than 3,000, almost 4,000. Of this number some 1,000 plus under Triple Win and the more than 2,000 will be from private companies,” ayon kay Cruz.

Ang Triple Win Project ay isang government-to-government hiring program sa pagitan ng Germany at ng Pilipinas na pinangasiwaan ng Philippine Overseas Employment Administration.

Ayon pa sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Berlin, nangangailangan ang Germany ng 50,000 nurses.

“The 50,000 job requirement is not for the Philippines. It also includes local nurses and other nationalities. There is no request from them but the statement of the Ministry of Employment that they need 50,000,” ayon kay Cruz.

Aniya, aabot a 2,000 Euros ang minimum salary ng nurses o P115,820 kada buwan.

Pinangasiwaan din ng POLO ang kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) na naipadala sa ibang bansa kagaya ng Belgium, the Netherlands, Luxemburg, at Russia.

Ayon kay Cruz, prayoridad sa Germany sa COVID-19 vaccination program nito ang medical workers.

“In Germany, I don’t have the exact figures specifically healthcare workers. But health care workers are among the priority sectors. The health care workers together with the elderly and the youth. They have been identified to get vaccine,”aniya pa.

(BASAHIN: Deployment ng nurses sa UK kapalit ng bakuna, itinanggi ng DOLE)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.