Filipino Sign Language, posibleng isasali sa MATATAG Curriculum

Filipino Sign Language, posibleng isasali sa MATATAG Curriculum

POSIBLENG isasali na rin ng Department of Education (DepEd) sa MATATAG Curriculum ang Filipino Sign Language.

Ayon kay Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora na siyang budget sponsor ng DepEd, importante ito dahil hindi na sasapat sa deaf learners ng bansa ang bilang ng trained educators sa Filipino sign language.

Sa proposed budget na P748-B ng DepEd, P10-M dito ang nais nilang ilaan para sa Filipino sign language.

Mas malaki naman ang budget ng DepEd para sa 2025 kumpara sa P717.6-B na budget ng ahensiya ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble