Filipino weightlifter John Ceniza, naka-secure ng spot sa Paris Olympics

Filipino weightlifter John Ceniza, naka-secure ng spot sa Paris Olympics

NADAGDAGAN pa ang tiyansa ng Pilipinas na makapag-uwi ng medalya sa nalalapit na Paris Olympics ngayong taon matapos na madagdagan ang listahan ng mga atletang Pilipino na nakapasok sa naturang Olympics.

Naka-secure ng spot ang Filipino weightlifter na si John Ceniza para sa men’s 61 kg category matapos itong magtapos sa ikaapat na puwesto sa 2024 I-W-F World Cup sa Phuket, Thailand na huling qualifying tournaments.

Nakapagtala si Ceniza ng total lift na 300kg mula sa 132kg sa snatch at 168kg sa clean and jerk.

Si Ceniza naman ang ikalawang Filipino weightlifter na nakakuha ng Olympic berth matapos kay Rosegie Ramos mula sa nagpapatuloy na I-W-F World Cup na nakatakda namang magtapos sa Abril 11.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble