NAGSAGAWA ngayong araw ng final rehearsal sa National Museum sa Maynila para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bukas, Hunyo 30, 2022.
Kabilang sa dumalo sa rehearsal ang aktres na si Toni Gonzaga kung saan inensayo nito ang kanyang pagkanta ng Pambansang Awit.
Inawit din ni Cris Villonco at ng Young Voices of the Philippines Choir ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” sa rehearsal.
Nagsagawa rin ulit ng rehearsal ang mga sundalo, pulis at iba’t ibang grupo gaya ng mga medical frontliner, OFW, atleta, mga manggagawa mula sa transport sector, agriculture, construction, edukasyon at mga kabataan.
Ito ay para naman sa gagawing civic at military parade kasabay ng inagurasyon ni PBBM bukas.