Finalists para sa full-length film category ng 2023 Film Festival, inilabas na

Finalists para sa full-length film category ng 2023 Film Festival, inilabas na

INILABAS na ng Cinemalaya ang full-length film finalists para ngayong taong 2023.

Batay sa inanunsiyo, 10 ang finalists para sa nabanggit na kategorya at ito ay ang Maria ni Sheryl Rose Andes; Gitling ni Jopy Arnaldo; Tether ni Gian Arre; Ang Duyan ng Magiting na si Dustin Celestino; at Bulawan nga Usa ni Kenneth De La Cruz.

Kasama rin ang Rookie ni Samantha Lee; Huling Palabas ni Ryan Machado; When This Is All Over ni Kevin Mikhail Mayuga; Iti Mapupukaw ni Carl Joseph Papa; at As If It’s True ni John Rogers.

Samantala, ang finalists para sa short film ay nauna nang inanunsiyo ng Cinemalaya.

Ang film festival ay gaganapin sa Agosto 4 hanggang 12 sa Philippine International Convention Center (PICC).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter