NASA Palo, Leyte ngayong araw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang panauhing pandangal sa komemorasyon ng pagtama ng Bagyong Yolanda noong November 2013.
At sa kanyang pagpunta doon, namahagi ng financial assistance para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Tig-P5,000 cash assistance ang ipinamahagi ni PBBM sa higit 1,000 magsasaka sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance program ng Department of Agriculture.
Namigay rin ng financial assistance ang Pangulo sa nasa 300 benepisyaryo ng assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang 200 residente naman ang nabigyan ng tig P5,250 na cash sa ilalim ng Tulong Panghanap-Buhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE.
Bukod pa ito sa tig-iisang unit ng disinfection trucks na ibinigay sa Southern Leyte Provincial Government at Allen, Northern Samar LGU.
Nagpasalamat naman si House Speaker Martin Romualdez sa tulong na ipinaabot ni PBBM sa kanilang lugar.
“We are fortunate and truly grateful that the current administration is not blind to our people’s plight and has seen fit to help us,” ani Romualdez.