Financial coverage para sa pagpapagamot ng mga may sakit sa puso, tinaasan ng PhilHealth

Financial coverage para sa pagpapagamot ng mga may sakit sa puso, tinaasan ng PhilHealth

TINAASAN na ng PhilHealth ang financial coverage para sa pagpapagamot ng mga sakit na may kinalaman sa puso.

Sa PhilHealth Circular 2024-0032, nasa P524K na ang financial coverage para sa Percutaneous Coronary Intervention mula sa P30,300 lang noon.

Ang Fibrinolysis ay nasa P133,500 na mula sa noo’y P30,290.

Nasa P21,900 na rin ang Support for Emergency Medical Services at Cardiac Rehabilitation na nasa P66,140.

December 21, 2024 pa nang maging epektibo ang naturang dagdag na financial coverage.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble