TINANGHAL ang bansang Finland bilang pinakamasayang bansa sa mundo sa ika-8 sunod-sunod na taon.
Ayon ito sa World Happiness Report 2025 ng Wellbeing Research Center na inilabas nitong Marso 20, 2025.
Maliban sa Finland ay nasa Top 4 rin ang ibang Nordic Countries gaya ng Denmark, Iceland, at Sweden.
No.5 naman ang Netherlands; No.6 ang Costa Rica; No.7 ang Norway; No.8 ang Israel; No.9 ang Luxembourg; at No.10 ang Mexico.
Ang Pilipinas ay nasa No.57 sa listahan.