Firearm amnesty, iminungkahi ng PNP kontra problema ng loose firearms sa bansa

Firearm amnesty, iminungkahi ng PNP kontra problema ng loose firearms sa bansa

ISINUMITE na ng pamunuan ng PNP Civil Security Group sa tanggapan ng Office of the Chief PNP ang proposal nila kaugnay sa firearm amnesty.

Ayon kay PNP-CSG Asst. Director Benjamin Silo Jr., layon nitong maiwasan at matigil na ang problema ng loose firearms sa bansa at posibleng paglaganap ng iba’t ibang krimen.

Aminado ang PNP na hindi ganoon kadali ang pagpapaalala sa mga nagmamay-ari ng baril sa bansa na magparehistro at regular na magrenew ng mga lisensiya nito.

Ayon sa PNP, naiintindihan nila na karamihan sa mga ito ay may kaniya-kaniyang trabaho kung kaya’t naisipan nila ang paglalagay ng one stop shop sa Kampo Krame at paglalaan tuwing araw ng Sabado at Linggo para mabigyan ng importansiya ang pribilehiyong pagmamay ari ng baril.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng Civil Security Group ang pag sang-ayon ng PNP leadership sa kanilang naisip na mungkahi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter