First Lady Liza Marcos, walang kinalaman sa ‘coup’ issue sa Kamara—Cong. GMA

First Lady Liza Marcos, walang kinalaman sa ‘coup’ issue sa Kamara—Cong. GMA

WALANG kinalaman sa ‘coup’ issue sa Kamara si First Lady Liza Araneta-Marcos, ito ang paglilinaw ni Dating Pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa isang Facebook post kamakailan sa natahimik na sanang isyu ng coup d’etat sa Kamara.

Naunang pinabulaan ni Arroyo ang mga bintang na gusto umano nitong i-coup d’etat si House Speaker Martin Romualdez.

Pero napilitang magsalita uli si Arroyo dahil nadadawit na rito ang pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ani Arroyo, nakarating sa kaniya ang report na may isa umanong kongresista na hindi naman niya pinangalanan ang nagpakalat ng istorya na yung binibintang sa kaniyang coup d’etat ay mas basbas ng unang ginang?

Saad ni Arroyo, isang ‘political fantasy’ ang isyu ng ‘coup.’

Humingi rin ito ng dispensa sa First Lady dahil pati ito ay nadadawit sa gulo.

“I am truly sorry that she should even be dragged into this political fantasy of a house coup – it is disrespectful to her and to her intelligence,” ayon kay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo | Deputy Speaker, Former Philippine President.

Mensahe naman nito sa mga nangchi-chismis sa kaniya na mag-move on at maghanap na lamang ng positibong maiaambag sa bayan.

“Whoever is spreading these pathetic rumors are the ones duping the Filipino people, and they should now move on to the serious business of making positive contributions to national progress,”  dagdag ni Cong. GMA.

Para naman kay Atty. Salvador Panelo na may personal na koneksiyon sa First Lady, mukhang may mga puwersang nang-iintriga sa Kamara.

Panelo sa First Lady, Cong. GMA issue: Iniintriga lamang ninyo ang dalawa

 “It’s a mouthful and I heard about that. Lumabas ‘yan sa isang diyaryo and siyempre kumalat na sa social media. Ang istorya daw ganito, merong isang congresswoman na binulungan si GMA at sinabi maam, merong mga congressman na okay na palitan si Speaker Martin. Eh itong the same congresswoman sinabihan siya na maam, merong instruction diyan si LAM, si Maam Liza. Yun ang kwento. The same congresswoman nagpunta raw kay ano kay Maam Liza, kay LAM. Maam, may pinaplano kay PGMA… yun, sa madali’t sabi, intriga. Iniintriga niyo, talaga naman kayo… iniintriga niyo si PGMA,” ayon kay Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

Hindi naman nagbigay ng pangalan si Panelo kung sinong kongresista ang kaniyang tinutukoy.

Para naman kay Arroyo, walang magtatagumpay na coup d’etat kung walang basbas ng pangulo.

Hindi rin aniya nito sisirain ang UniTeam o ang sanib-pwersa ng mga Marcos at Duterte nitong eleksiyon na isa siya sa mga bumuo.

At wala rin aniya itong nakausap na pulitiko dito man o sa abroad na nag-uudyok ng umano’y ‘coup’ sa Kamara.

“I will just say three things:

First, every politician worth his or her salt would know that in the Philippines, no House coup can ever succeed without the consent of the president.  That is simply a fact of life in Philippine politics.”

 “Second, I made a humble contribution to the joining of forces that became the UniTeam, and the resulting supermajority in the House is a major force for delivering our president’s agenda. Thus, I would never take any action to destroy it.”

“Third, I did not have any conversation, here or abroad, with any congressman or congresswoman, or any other politician active or retired, to plot, support, encourage or participate in any way in any alleged House coup,” saad ni Arroyo.

 “Pero alam mo naniniwala ako sa sinasabi niya na bakit naman ako magko-coup? Parang… it goes against the grain dahil tinulungan ko nga yan eh. Bakit naman ako magko-coup diyan? At saka umatras na nga ako eh. ‘Di noon pa sana? Initial laban pa lang ganyan na,” ani Panelo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter