First stop ng Superman World Tour sa Manila, mainit na sinalubong ng fans

First stop ng Superman World Tour sa Manila, mainit na sinalubong ng fans

MAINIT na sinalubong ng fans ang iconic DC superhero na si Superman o David Corenswet sa totoong buhay.

Kasama niya rin ang ilang casts na sina Rachel Brosnahan na gaganap bilang Lois Lane, producer na si Peter Safran at ang director na si James Gunn.

Tuwang-tuwa ang fans nang dumating ang mga cast sa venue ng SM Mall of Asia noong June 19, sa pamamagitan ng isang iconic grand entrance with fireworks display, kaya mas lalo pa naging unforgettable ang kickoff ng kanilang world tour.

Syempre hindi mawawala ang fan opportunities katulad ng autographs at selfies kasama ang casts.

Nakatakdang ilalabas sa Philippine cinemas at IMAX theaters ang pelikulang Superman ngayong July 9, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble