Fish kill sa Cavite, iniimbestigahan ng BFAR

Fish kill sa Cavite, iniimbestigahan ng BFAR

INAALAM na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang napaulat na malawakang fish kill sa Cañacao Bay sa Cavite City.

Sa isang pahayag, ayon sa BFAR na ang mga patay na isda na ito ay tinatawag na “tilapiang gloria”.

Ayon pa sa BFAR, mas murang uri ng tilapia ito na hindi kailangan palakihin pa sa mga fish cage.

Iniimbestigahan na ng ahensiya kung ano ang naging sanhi ng fish kill sa nasabing baybayin.

Nakakolekta na rin ang BFAR ng mga sample na isda at tubig upang masuri.

Ang fish kill ay kadalasang sanhi ng pagbaba ng lebel ng dissolved oxygen sa tubig.

Follow SMNI NEWS on Twitter