Fishing ban sa Naujan, Pinamalayan, inalis na

Fishing ban sa Naujan, Pinamalayan, inalis na

INALIS na ang fishing ban sa bayan ng Naujan at Pinamalayan sa Oriental Mindoro ayon Kay Gov. Humerlito “Bonz” Dolor ngayong Lunes, Hunyo 26, 2023.

Sa briefing, sinabi ni Gov. Dolor, ang bayan ng Naujan hanggang Puerto Galera at ang bayan ng Pinamalayan hanggang Bulalacao ay maaari nang pangisdaan at maging ang turismo.

Samantala, hindi pa rin pwedeng mangisda sa bayan ng Pola sa 5-kilometer radius mula sa ground zero ng oil spill.

Sa susunod na dalawang linggo ay aasahan naman aniya ang panibagong ulat sa nasabing lugar.

Pinasalamatan naman ni Gov. Dolor ang mga nagbigay ng serbisyo gaya ng PCG, DENR, PDRRMO, government agencies, LGUs at iba pang mga ahensiya para maibalik at maaari nang mapangisdaan o makapaghanap buhay na muli ang mga kababayang mangingisda sa Oriental Mindoro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter