INANUNSYO ng gobyerno ng Japan na simula ngayong Linggo, Enero 8, papayagan na ang mga flights mula Hong Kong at Macau na lumapag sa lahat ng paliparan sa Japan at pinapayagan na rin ang pagdaragdag ng iba pang flights.
Ang pahayag na ito ay matapos na higpitan ng mga awtoridad sa Japan ang paglapag ng mga direktang flight mula sa Hong Kong at maaari lamang lumapag sa Narita Airport, Haneda Airport, Kansai Airport, Chubu Airport, New Chitose Airport, Fukuoka Airport, at Naha Airport mula pa noong Disyembre 30.
Sa kabila ng pagluluwag ng Japan sa mga flights na nagmumula sa Hong Kong, magpapatuloy pa rin ang bansang Japan sa kanilang paghihigpit na imonitor ang bilang ng mga pasaherong pumapasok sa syudad.
Samantala, malugod naman na tinanggap ng gobyerno ng Hong Kong ang pagluluwag ng Japan.