Flood control projects, nalulula lang dahilan para magkaroon ng malawakang pagbaha—PBBM

Flood control projects, nalulula lang dahilan para magkaroon ng malawakang pagbaha—PBBM

‘OVERWHELMED’ o nalulula lang ang mga flood control project dahil sa malakas na mga pag-ulang dulot ng nagdaang Bagyong Kristine sa Luzon.

Ayon ito kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang tugon sa tanong ng publiko kung nasaan na ba ang flood control projects na pinaglalaanan ng bilyun-bilyong pisong pondo lalong-lalo na sa Bicol.

Dagdag pa ni BBM, mas malakas na rin ang mga bagyo ngayon dahil sa climate change o pagbabago ng panahon.

Samantala, kung sisilipin, hindi lang ang Bagyong Kristine ang malakas na uri ng bagyo na naranasan ng bansa.

Halimbawa na rito ang Bagyong Frank noong taong 2008 kung saan nasawi ang nasa 1.3K (1,371) katao; Bagyong Sendong noong 2011 kung saan nasawi ang nasa 1.4K (1,472) katao; at Bagyong Yolanda noong 2013 kung saan nasawi ang nasa 7K katao.

Sa kabilang banda, binigyan na ng P60M ang lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas para ipamigay rin sa anim na bayang pinakaapektado ng Bagyong Kristine sa probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter