INIHAYAG ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kasalukuyan na nilang tinatrabaho ang pagbuo ng disenyo para sa flood control project sa Central Luzon.
Ito ang kauna-unang major project proposal ng ahensya sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay Usec. Senior Undersecretary Emil K. Sadain na ang Woodfields Consultants Inc. ang kinomisyon ng ahensya para gumawa ng komprehensibong pagbalangkas sa epektibong plano para sa Pampanga River Basin na isa sa mga bahaing lugar sa Central Luzon.
Dagdag pa ni Sadain na ayon sa kaniyang pakikipagpulong sa Woodfields, kailangan ng buong plano para sa Central Luzon na may retarding swamp sa San Antonio Swamp at ang Pampanga River Floodway Flood Control Project at sa Pampanga Delta Development Program Phase 2.
Ilan naman sa mga engineering interventions ng ahensya ay ang pagpapalawak ng mga river channel, floodgates, dikes, cut off channel, control weirs at sluicegates para mamitigate at mapigilan ang flood damages na dulot ng pag-agas ng river waters sa mga komunidad.