Flood mitigation at irrigation infra projects, muling natalakay sa Malakanyang

Flood mitigation at irrigation infra projects, muling natalakay sa Malakanyang

MULING natalakay sa Malakanyang ang flood mitigation at irrigation infrastructure projects.

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ilang mga bagay tungkol sa iminungkahing mga hakbang sa pamamahala ng tubig sa Central Luzon kasama ng National Irrigation Administration (NIA).

Ginanap ito sa isang pulong sa Palasyo ng Malacañang nitong Agosto 23.

Ang proposed water management initiatives, tulad ng ipinunto ng NIA, ay sumasaklaw sa flood mitigation at irrigation infrastructure projects sa Region III.

Inaasahang tutugon ito sa mga problema sa hinaharap kasunod ng malawakang pagkasira na dala ng mga nagdaang bagyo sa naturang rehiyon.

Tinalakay ni NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen ang iba’t ibang proyekto na makatutulong sa pagtugon sa pagbaha at magpapalakas ng irigasyon sa sektor ng agrikultura sa Central Luzon.

Kabilang dito ang konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga dam, Small Reservoir Irrigation Projects (SRIP), riverbank at flood protection works, pagpapabuti ng irrigation drainage, at installation ng flood pumps.

Saad pa ni Guillen, makikinabang ang rehiyon sa mungkahing proyekto sa aspeto ng food security at economic development.

Ang mga proyekto ay maaaring makatulong na mabawasan ang average na lalim ng pagbaha; patubigan ang kabuuang service area na 36,000 ektarya ng lupa; tulungan ang higit sa 15,000 Pilipinong magsasaka; at magbigay ng hindi bababa sa 10 milyong litro kada araw ng domestic water, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble