Floor price sa mga kamatis ipinanawagan ng SINAG

Floor price sa mga kamatis ipinanawagan ng SINAG

IPINANAWAGAN ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriculture (DA) na magpatupad na ng floor price para sa mga kamatis.

Dahilan dito ang pagbagsak na muli sa farm gate price ng mga kamatis sa P6 bawat kilo.

Ayon kay SINAG Executive Sec. Jayson Cainglet, umabot na sana ng P12 kada kilo sa nakaraang mga araw ang farmgate price nito ngunit bumagsak nga muli sa kasalukuyan.

Nagrereklamo na aniya ang mga magsasaka sa napakababang bentahan ng kanilang mga produkto.

Kung i-monitor naman ang mga pamilihan sa Metro Manila, nasa P25 hanggang P60 pa rin bawat kilo ang presyo ng kamatis.

Kapag may floor price nang ipatutupad ang DA, maiiwasan na ang karagdagang pagkalugi ng mga magsasaka.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble