UMABOT na ng mahigit isang milyong views sa loob lang ng anim na araw ang “Fly Me to the Moon” song cover ni Sarina sa YouTube, ang two-year-old na anak ng TV host na si Jhong Hilario.
Sinabi ni Jhong na hindi niya inasahan na mangyari ito ngunit nagpapasalamat na lang siya sa lahat ng sumuporta sa kaniyang anak.
Dahil dito, sinabi ni Jhong na nakadepende na sa kaniyang anak kung papasok ito sa showbiz industry sa hinaharap.
Sa ikatlong taong kaarawan ni Sarina ngayong Marso 27 ay inalok ito ng Hong Kong Disneyland para sa isang all-expenses-paid trip.