Focused crime sa Metro Manila, bumaba ng 30%—NCRPO chief

Focused crime sa Metro Manila, bumaba ng 30%—NCRPO chief

BUMABA ng 30% ang datos ng focused crime sa ilalim ng pangangasiwa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ang tinuran ni NCRPO chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. sa pagharap nito sa media sa Quezon City.

Ang nasabing datos ay mula sa buwan ng Hulyo 2023 kung kailan nagsimula ang kanyang panunungkulan sa NCRPO hanggang sa taong kasalukuyan.

Ipinagmalaki ng NCRPO ang datos na ito sa pakikipagtulungan ng LGU at maigting na pagbabantay sa mga lansangan sa Metro Manila.

Sa kabilang banda, titingnan ng PNP ang sumbong na may ilang istasyon ng pulis sa Metro Manila na kulang pa rin ng mga tauhan dahilan para tumaas ang bilang ng krimen sa kani-kanilang mga lugar.

Follow SMNI News on Rumble