Folk singer Roger Whittaker, pumanaw na sa edad na 87

Folk singer Roger Whittaker, pumanaw na sa edad na 87

PUMANAW na ang singer na si Roger Whittaker sa edad na 87.

Si Roger ay nakilala sa kaniyang 1969 hit song na “Durham Town” at ang kaniyang expert whistling.

Kasama rin sa kaniyang mga sikat na kanta ay ang “The Last Farewell” at “New World In The Morning” na nakalikom ng 50 million sa buong mundo.

Bukod naman sa mga folk club, tuluy-tuloy naman ang tagumpay nito sa Skye Boat song kasama si Des O’Connor noong 1986.

Kilala rin si Roger na kumakanta ng iba’t ibang wika tulad ng German at French kung saan sumikat ang kaniyang mga kanta.

Si Roger ay ipinanganak sa Kenya noong 1936 at nag-aral ng Medicine pagkatapos ng kaniyang pagseserbisyo sa Kenya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble