Food security emergency, posible nang ideklara ng Agri Chief sa Miyerkules

Food security emergency, posible nang ideklara ng Agri Chief sa Miyerkules

POSIBLE nang ideklara ng Agri Chief sa Miyerkules ang food security emergency.

Sa media briefing, kinumpirma ni Agriculture Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa na hindi pa personal na natanggap ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang kopya ng resolusyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC).

Pero oras na dumating ito sa kanyang opisina ay agad itong pag-aaralan ng ahensya para makapaglabas o makapag-deklara ng ‘food security emergency’ ang kalihim.

‘’Ang expectation as announced by the Secretary we are expecting by the copy of the resolution to be sent to the DA within today. Nag-check ako ngayon lang wala pa raw mamaya baka nasa ibang opisina we are checking kung darating. But, ang sabi ni Secretary kapag na-receive ngayon ay tuloy ang review ngayong araw hanggang bukas. By Wednesday there will be an action from the Secretary being siya talaga ‘yung responsibility towards declaration ng food security emergency again upon the recommendation,’’ ayon kay Asec. Arnel De Mesa.

Ito na ang nakikitang hakbang ng DA kasunod nang tumataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Oras na makapag-deklara ang DA, ang National Food Authority (NFA) naman ay magbebenta ng palumang suplay ng bigas sa mga lokal na pamahalaan simula sa Pebrero 1.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble