NANGAKO ang Football Australia na gagawa ng mabilisang aksyon laban sa fans na inakusahang gumagawa ng Nazi salute sa isang Final Cup.
Nagkaroon ng kritisismo mula sa publiko matapos na mag-chant ang ilang football fans ng mga far-right Croatian song ay gumagawa ng Nazi salute sa indigenous welcome ceremony sa Australian Cup Final.
Ayon sa mga ulat, narinig ang mga fans sa laro sa pagitan ng A-League Macarthur FC at Sydney United 88 na kumakanta ng far-right Croatian songs.
Agad namang pinalabas ang walong katao mula sa Sydney Commbank Stadium dahil dito.
Samantala, ayon sa Football Australia, mariin nitong kinokondena ang maliit na bilang na gumawa nito sa lugar ng 16-k manonood.
Sa isang statement na inilabas ng Football Australia, hinahanap nito ang footage at imahe ng ilang mga indibidwal na umano’y panganib sa kanilang organisasyon at sa buong Australian Football Community kabilang na ang pagpapakita ng isang Hitler salute.
“Football Australia is today assessing all footage and images available of certain individuals which are of concern to our organisation and the broader Australian Football Community, including the display of the ‘Hitler salute’,” ayon sa statement ng Football Australia.
Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensyang nakapokus dito sa mga awtoridad at sa stadium upang maipakita ang mariin nitong pagkondena sa sinasabing offenders at nagbabala na ang mga galaw ng mga fans na posibleng iligal sa batas ay hindi papayagan sa New South Wales.
Samantala, ilang representante naman ng Jewish community sa Australia ang nagkondena sa mga indibidwal na gumawa ng Nazi salute sa nasabing laro.