NANINIWALA ang football coach na si Jitka Klimkova sa pamamagitan ng pagiging co-host ng FIFA Women’s World Cup ay mapupukaw ang passion ng New Zealand para sa football.
Ayon sa coach, sa kasalukuyan ay nananatiling nangunguna na sports sa New Zealand ay rugby, cricket at iba pa maliban sa football.
Hindi rin nanalo pa ang New Zealand sa anumang Women’s World Cup Game.
Samantala, sa magiging FIFA Women’s World Cup 2023 mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20, 2023 ay unang makakalaban ng New Zealand ang Norway.
Susundan naman ito sa isang match kontra Pilipinas at Switzerland sa Group A.