BUBUKSAN sa Dubai ang kauna-unahang football themed hotel na pwedeng maging base ng fans na nais dumalo sa Qatar World Cup dahil mabilis lamang itong makaka-access ng flight papuntang Doha.
Ang NH Dubai na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Palm Jumeirag ay magiging hotspot para sa mga supporter na tutungo sa Qatar upang makiisa sa pinakamalaking sporting event sa rehiyon.
Ang demand naman para sa hotel rooms mula sa international football fans na planong manatili ay tumataas noong nakaraang mga linggo.
Inanunsyo ng hotel na sa buwan ng Nobyembre nito balak magbukas kasabay ng nasabing World Cup.
Magkakaroon din ng shuttle bus na nakahanda para sa mga fans upang makapanood ang mga ito ng mga laban sa ilang official fan zones sa syudad.