NAITALA bilang highest paid athlete ang Portuguese professional footballer na si Cristiano Ronaldo ng Forbes Annual Rich List.
Ayon sa Forbes, tinatayang $136-M ang kita ni Ronaldo.
Kabilang na ang $46-M kita nito mula sa kaniyang suweldo at mga bonus sa paglalaro at $90-M mula sa mga endorsements, appearances, licensing income at sa iba pa nitong negosyo.
Siya rin ang pinaka-unang nakapagtala ng nabanggit na figure sa footballer history.
Pumangalawa naman sa listahan si Lionel Messi na may $130-M, sunod si LeBron James na may $119.5-M, at Canelo Alvares na may $110-M.
Nasa Top 6 si Dustin Jhonson, Top 7 si Phil Mickelson, Top 8, Stephen Curry, Top 9 si Roger Federer, at Top 10 si Kevin Durant.