Footwear Exhibit, magpapalakas sa anti-smoking drive sa Baguio

Footwear Exhibit, magpapalakas sa anti-smoking drive sa Baguio

MAGSASAGAWA ng footwear exhibit ang pamahalaang lungsod ng Baguio bilang parte ng anti-smoking drive sa lugar ngayong 21 ng Abril.

Plano ng City Health Services na patatagin pa ang anti-smoking drive nito sa pamamagitan ng pagdidisplay ng tatlong daan dalamput isang pares ng sapatos at tsinelas sa isang Art Gallery bilang pagrerepresenta sa tatlong daan dalamput isang kataong kinitil ang buhay dahil sa paninigarilyo.

Sa isang abiso, sinabi ng Public Information office ng Baguio na ang mga sapatos at tsinelas ay ididisplay sa Malcolm Square sa darating na Abril 21, sa tulong ng smoke-free Baguio, isang consortium na kinabibilangan ng government at non- government organizations na lumalaban sa masamang epekto ng paninigarilyo.

“The art installation calls for stronger tobacco control policies and reminds the public that tobacco companies are neither friends nor allies,” ayon sa Public Information Office, Baguio.

Noong Abril 2017 ipinasa ng lungsod ang ordinance no. 34 na layung ipagbawal ang paggamit, pagbebenta, distribusyon, at advetisement ng sigarilyo at iba pang tobacco products sa mga public utility vehicles, mga sasakyang pag-aari ng gobyerno, accommodation at entertainment establishments, pampublikong mga gusali, o kahit anong enclosed areas sa labas ng isang private residence o pribadong lugar ng pinagtatrabahuhan maliban na lang kung nakalaan itong smoking areas.

Ipinagbabawal din ng ordinansa ang paninigarilyo at pag-vevape sa mga pampublikong lugar, lugar na pinagtatrabahuhan, public conveyances, at iba pang pampublikong lugar maliban sa mga designated smoking areas na inaprubahan at sumusunod sa mga nasabing requirements.

Maaaring magmulta ng isang libong piso ang mga taong mahuhuling lalabag sa nasabing ordinansa, habang dalawang libong piso naman sa mga establisyimento sa unang paglabag. Maaari ring magcommunity service ang mga indibidwal na hindi makakapagbayad ng multa.

“We have enforcers who implement and the establishments that do not have designated smoking areas also help remind their customers of the prohibition to smoke even in open space parking areas,” ayon kay Aileen Refuerzo, PIO Chief, Baguio.

Dagdag pa rito, ang mga establisyimento na nais mag apply para sa smoking area permit at mangangailangan ng outdoor space ilang metro ang layo mula sa gusali at kailangang wala itong enclosure o bubong.

“There is a stringent requirement. That is why there are few establishments with smoking areas,” saad ni Refuerzo.

Ayon naman kay Councilor Hoel Alangsab, ang may akda ng anti-smoking ordinance, na ang kampanya kontra paninigarilyo ay patuloy at hindi exempted ang mga turista sa nasabing polisiya.

Maliban sa Baguio City Police Office, ipatutupad din ng mga tauhan ng public order and safety division, at mga miyembro ng community smoke-free task force sa isang daan at dawalamput walong mga barangay ang anti-smoking ordinance.

Follow SMNI NEWS in Twitter