Pagsasampa ng kaso vs Cong. Teves kaugnay sa Degamo case, hinihintay ngayong araw

Pagsasampa ng kaso vs Cong. Teves kaugnay sa Degamo case, hinihintay ngayong araw

INAASAHANG matutuloy na ngayong araw ang pagsasampa ng mga kaso laban kay suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Ito’y kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa mga nadamay na mga sibilyan.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na mula sa dating 9 ay magiging 10 counts na ng murder cases ang ihahain sa korte dahil namatay noong isang linggo si Fredilino Café, Jr. na kabilang sa mga sibilyan na nadamay sa pamamaril.

Tiniyak naman ni Remulla na marami silang hawak na mga ebidensiya kaya tiyak aniyang madidiin sa kaso si Teves sa pagpatay kay Gov. Degamo.

Samantala, iginiit naman ni Atty. Ferdinand Topacio na kaya naaantala ang paghahain ng kaso laban sa kaniyang kliyente ay dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensiya laban kay Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter