MULING magtatanghal ang Philippine Arts Summit ng mga obra ng iba’t ibang Filipino artists ngayong taon.
Mga obrang may kurot sa payak na pamumuhay ng mga Pilipino mula sa makulay na kultura at nakamamanghang kaugalian ng bansa.
Isa sa mga tampok ngayong taon ay ang mga obra ng isa sa mga tinitingala at multi-awarded cultural worker na si Dr. Liz Villaseñor.
Bukod sa pagiging isang museum professional, kasalukuyan rin siyang public servant, lover of the arts, at higit sa lahat isang naval reservists officer.
Mula sa pagiging bihasa sa mga museo sa bansa at sa ating kasaysayan, nakuha nito ang interes sa paglililok, pagpipinta na nagsisilbing inspirasyon sa kanyang sarili, pamilya, at mga kaibigan sa industriya.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Villaseñor ang ilang pamosong museum ng bansa tulad ng Philippine Navy, Philippine National Police, at Philippine Air Force Museum.
Sa kanyang ika-limang solo exhibition ngayong taon, ilalahad nito ang makulay na kwento ng mga hamon sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
Sa katunayan ang, “Pro Deo et Patria” o For God and Country ay sumasalamin sa kanyang buhay bilang isang public servant at isang mamamayang Pilipino.
BASAHIN: Pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas, dapat mas maging interesting – museum professional