Foreign Minister ng Timor Leste, darating sa bansa ngayong araw para sa 3-day work visit

Foreign Minister ng Timor Leste, darating sa bansa ngayong araw para sa 3-day work visit

NAKATAKDANG dumating ngayong araw ng Lunes, Agosto 19 sa bansa si Minister of Foreign Affairs and Cooperation ng Timor Leste na si Bendito dos Santos Freitas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magtatagal ang pagbisita ng Timor-Leste official hanggang sa Agosto 21.

Ito ang kauna-unahang official visit ni Dos Santos Freitas sa Pilipinas.

Kabilang sa mga inaasahang matatalakay sa pagbisita ni Dos Santos Freitas at pakikipagpulong kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ang kasalukuyang estado ng bilateral at multilateral relationships sa pagitan ng Pilipinas at Timor-Leste.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble