Forensic evidence, kokontra sa bumaliktad na salaysay ng suspek sa Degamo case —Prosecutor

Forensic evidence, kokontra sa bumaliktad na salaysay ng suspek sa Degamo case —Prosecutor

NANINIWALA ang Department of Justice (DOJ) Prosecution Office na sasapat ang hawak nilang mga physical at forensic evidence para makapag-file ng kaso laban kay Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr.

Hanggang ngayon wala pang affidavit na natatanggap ang prosekusyon kaugnay sa bagong salaysay ng 3 suspek na sinasabing bumaliktad na ng testimonya laban kay Teves.

Pero sa kabila ng sinasabing recantation ng mga suspek, tiwala ang prosekusyon na mai-fafile ang pormal na mga kaso laban kay Teves sa husgado.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, maliban sa testimonial evidence ay mayroon silang hawak na forensic at physical evidence na kokontra sa kanilang mga bumaliktad na salaysay dahil mas reliable aniya ang mga ito.

Tumanggi naman muna si Fadullon na sabihin kung anu-anong mga physical evidence ang meron sila ngayon.

Si Atty. Danny Villanueva ang private lawyer ng mga bumaliktad na suspek.

Una nang kinuwestiyon kung papaano tinukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nakuha sa CCTV camera sa bahay ni Degamo.

Pero ayon kay Fadullon, mayroong mga witness sa crime scene na maaring naka-identify sa kanila.

Maliban aniya kasi sa 11 na suspek ay mayroon din silang pinanghahawakang testimonya mula sa mga taong nandoon mismo nang mangyari ang krimen.

Doon umano sa CCTV ay masassbi ang aktuwal na krimen na nangyari at hindi masasabing gawa-gawa ng gobyerno.

Sa ngayon ayon kay Fadullon, iisa pa lamang na affidavit of recantation ang kanilang natatanggap.

At ito umano’y mula sa suspek na si Osmundo Rivero at hindi umano dahil sa pagbaliktad ng isa, ay hihina na ang kaso.

Kumpiyansa ang prosekusyon na sasapat ang kanilang ebidensiya para makapaghain ng kaso laban kay Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter