KAIBIGAN ang turing ni Leyte 2nd District Representative at former actress Lucy Torres- Gomez sa kanyang mga alagang hayop.
Sa isang zoom virtual meeting kasama ang entertainment press, ito aniya ang dahilan kung bakit hindi kumakain ng kambing si Torres- Gomez.
Ani Torres-Gomez, nag-aalaga ang pamilya niya dati ng kambing kung kaya’t hindi nya maatim na kainin ang mga ito.
Kamakailan lang din ay umaayaw na siya sa manok matapos ibinahagi nitong nag-aalaga sila ni Richard Gomez nito simula noong kasagsagan ng lockdown.
Samantala, naibahagi na rin ni Lucy na may garden na din sila sa bahay at farm-to-table na aniya ang set up ng kanilang kainan araw-araw.